Sunday, January 24, 2010
"Nung nakasakay na ko sa car ni Marj, tsaka ko sinabi sa tatay ko na sa The Fort kami pupunta. Sabi ko kasi nung una sa may UST lang e. Hahahaha. Ayan, first time ko magsabi ng totoo. :P
Nagkita-kita accidentally kaming mga magkakablock somewhere sa The Fort. Grabe taob ako sa outfits nila. Dress kung dress! Sleeveless kung sleeveless! Heels kung heels! Ngayon alam ko na, sobrang maporma pala dapat pag bar. hahaha simple lang kasi akong babae eh. :))
Ang tagal namin bago nakapasok sa loob ng Ascend! May age limit pala talaga. Ayon may hinintay kaming someone para mapapasok kami at kausapin yung mga maskuladong bouncers sa labas. Pati sa pag-akyat ang higpit na naman. Tinanong kung sino minor... Well gusto ko magsinungaling kaso wag na lang kasi lahat kami dun minor. Imposible namang di kami papasukin, sayang ang pinunta at VIP po kami.
Okay, first time kong makapasok sa bar.
Well expected ko nang mag-iinuman. Siyempre go ako. First time ko ring makainom from a shot glass (hahaha baso lang kasi kami ng mga friends ko) tapos first time ko rin makainom ng sparkling water. Chaser ata yun if I'm not mistaken. Yung vodka ay Smirff something... first time ko rin kasi puro The Bar lang. lol. Yung isa kong friend na si Mitzie hindi siya uminom, may sakit daw siya sa liver. Buti pa siya. Haha.
Sabi ko iko-control ko ang inom ko para di ako malasing. Well nung una tira ako ng tira hahaha. Nakakainis lang kasi nagyoyosi yung iba. Grr. :P Tapos wala pang sumasayaw, eh yun isa ko pang habol sa bar. Ayon inumpisahan namin ni Mitzie, eventually nagsayawan na rin sila. :>
Habang sumasayaw ako, unti-unti na kong nahihilo. At unti-unti akong nag-iinit, literally. Di ko pinansin nung una. Sabay sobrang umiikot na paningin ko as in grabe. Ayon natulog ako. Tapos hinahatak-hatak pa rin ako para sumayaw. Ginigising-gising ako, pinapalo pero wala akong imik. Hahaha. Ayan, first time ko pong malasing. :|
Minsan pag may nasesense akong group picture na talaga namang marami akong na-miss, tinatry kong tumayo at ngumiti. One time nung tumayo ako sa sofa para makita sa pic, ampota di pa nagfa-flash yung camera tumaob na agad ako at nakatulog. =))
Eto na ang aftermath... nagsusuka na ako. Nakalimutan ko nga pala na kumain ng dinner! Well pati yung friend kong si Marj pinaalalahanan niya ko na sisikmurain daw ako kasi wala pa kong nakain pero hindi ako nakinig. Yan tuloy suka ako ng suka pero wala akong masuka. Nakatulog pa nga ako saglit sa cubicle. Hahahaha. First time na naman.
Natulog ulit ako. Ginigising ako ni Anela na wag raw ako humiga para di lalo malasing. Umupo lang raw ako. Naalala ko kapit na kapit ako nun sa bag ko kasi unan ko yun haha. Tapos pinapainom nila ako ng tubig... hindi ko alam kung bakit. At dahil sobrang pinapainom nila ako ng tubig, nagsuka ulit ako.
I spent most of the time sleeping and vomiting. lol
Nakakainis! Hindi ko akalaing sa 5 shots lang lasing na ako. Ayoko pa naman sana malasing, gusto ko lang uminom. Gusto ko lang kasi pumarteyy at sumayaw don kaso wala, tulog ako all the way. Ang dami palang pumi-picture sakin, ako kasi unang bumigay. wahaha pero wag ka, nung medyo namulat ako ang dami ko nang katulad na tulog! Mga lalake hahaha.
Uuwi na si Mitzie so uuwi na rin ako dahil sasabay ako sa car nila; may dalawang nag-aalalay kasi tabingi na talaga lakad ko. Naaawa ako kay Mitzie kasi sa kanya ako sasabay pauwe. Eh nasa kotse raw buong pamilya niya.Tangina! Nakakahiya ako.Agggh. Buti mabait yung parents niya... Binili pa ko ng kape na pumaso sa dila ko ng sobra, hanggang ngayon deds pa rin ang taste buds ko; ang hapdi grabe.
Pag-uwe medyo okay na, di tulad nung nasa bar. Dire-diretso lang ako para di ako maamoy at mapansin ng tatay kong nakainom ako sabay tulog. Ngayon, sinabi ko yung totoo na uminom ako. Kaya raw pala tabingi raw ako maglakad kagabi. Hahahaha may proof pa rin pala kahit magsinungaling ako. Ayon, amoy sigarilyo tuloy ako ngayon, pati kwarto ko.
--
Ngayon alam ko na ang limitations ko. Alam ko na kung ano feeling ng malasing at kung ano nangyayari sakin. Pag may tama pa lang ako, maingay ako. Pag lasing na, tulog na ako. hahaha. Alam ko na ngayon na dapat may laman ang tiyan or busog bago uminom. Dapat hanggang 2 or 3 shots lang ako dahil mabilis pala talaga akong malasing. Sa susunod hindi na ko magpapakalasing. Promise. (sana magawa ko)
Pero infairness, kahit lasing ako, sobrang tino ko pa rin kausap. Swear. Sobrang bigat lang talaga ng eyelids ko at ng katawan ko pero nagfa-function pa rin ng matino ang utak ko. Tsaka naaalala ko pa rin yung mga nangyari, kaya ko nga nakwento ngayon. Hindi pala ako yung nabe-brainwash pag nakainom. Aware pa rin pala ako sa nangyayari.
At least hindi ako yung tipong nagwawala as in sobra, nanghahalik, nangre-rape, nagpapabastos kapag lasing. Buti matino ako kahit papano. :D"
its karen here
8:43:00 PM <3